Home METRO 5 turista, nahulog sa ilog matapos bumigay bahagi ng hanging bridge sa...

5 turista, nahulog sa ilog matapos bumigay bahagi ng hanging bridge sa Baler

1
0

AURORA, Philippines – Nahulog sa ilog ang limang turista matapos bumigay ang isang bahagi ng hanging bridge sa Baler, Aurora.

Ligtas naman ang lahat ng limang turista sa insidente.

Ayon sa nag-upload ng video, naputol umano ang kable na nagdurugtong sa bahagi ng tulay habang tumatawid ang mga turista.

Luma at kinakalawang na umano ang naturang kable.

Pansamantalang isinara ng mga awtoridad ang tulay at ipinagbawal ang pagdaan dito ng publiko. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here