Home NATIONWIDE 5 volcanic earthquakes naitala sa Kanlaon – PHIVOLCS

5 volcanic earthquakes naitala sa Kanlaon – PHIVOLCS

143
0

MANILA, Philippines – Naitala ang limang volcanic earthquakes sa Bulkang Kanlaon sa Negros Island sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Linggo, Marso 1, nagbuga ang bulkan ng 2,880 tonnes ng sulfur dioxide.

Namataan din ang 300-meter high plume na may katamtamang emission.

Kasalukuyang nakataas pa rin sa Alert Level 2 ang babala sa Bulkang Kanlaon.

Hindi pinapayagan ang pagpasok sa four kilometer radius Permanent Danger Zone at pinagbabawalan din ang mga eroplano na lumipad malapit sa bulkan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here