Home METRO 50-anyos pawikan, nailigtas sa Albay

50-anyos pawikan, nailigtas sa Albay

1
0

ALBAY, Philippines – Nailigtas ng mga residente ang isang green sea turtle o pawikan na tinatayang nasa 50 taong gulang matapos matagpuan sa baybayin ng Sitio Banago, Barangay Alimsog noong Biyernes, Setyembre 25.

Ang lalaking pawikan ay may sukat na 28 pulgada ang lapad at 39 pulgada ang haba. Mahina ito at tuyo ang carapace o matigas na panlabas na bahagi ng katawan nang matagpuan, matapos umano ma-stranded dahil sa low tide.

Ayon kay Dimple Catangay, municipal environment and natural resources officer, tinakpan ng mga residente ng basang tuwalya ang pawikan upang mapanatiling mamasa-masa ang katawan nito habang naghihintay ng tulong.

Walong katao ang tumulong sa pagbuhat at pagdadala sa pawikan sa Integrated Coastal Resource Management office sa Legazpi City para sa gamutan.

“Our priority was to save it and let it survive, so we did not waste time and brought it to a veterinarian,” ani Catangay.

Binigyan ang pawikan ng fluids at antibiotics. Sinubukan itong ibalik sa dagat noong Sabado ng umaga ngunit ipinagpaliban ang pagpapakawala matapos makitang mahina pa rin ito.

Sinabi ni Catangay na ipinakita rin ng rescue ang epekto ng information and education campaign ng lokal na pamahalaan tungkol sa pangangalaga sa wildlife, na naghikayat sa mga residente na i-report ang mga na-stranded na hayop at humingi ng tamang tulong. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here