MANILA, Philippines – Pinuna ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang Land Transportation Office (LTO) dahil umano sa sistema sa third-party liability insurance na aniya ay nag-iiwan sa mga biktima ng aksidente na hindi makapag-claim ng benepisyo.
Ayon kay Remulla, may umano’y “cartel” sa third-party liability insurance na nagiging dahilan ng problema sa Insurance Commission.
Sinabi rin niya na walang sapat na serbisyo o tulong mula sa LTO para gabayan ang mga biktima sa pagkuha ng kanilang insurance benefits.
“The problem is, when a person gets into an accident, there is no service or assistance [from the LTO]. They are only concerned with money,” ani Remulla.
Binigyang-diin niya ang mga insidenteng gaya ng pagkakabangga ng motorsiklo ng isang sasakyan at tinanong kung paano makakapag-claim ng insurance ang biktima.
“Especially now, when a motorcycle is hit by a car, shouldn’t third-party liability insurance apply? How can they make a claim? Have you ever seen a police officer tell someone, ‘Go ahead and claim insurance for your injury’?” dagdag niya.
Pinuna rin ni Remulla ang LTO at Insurance Commission dahil umano sa higit na pagtutok sa pera kaysa sa pagtulong sa mga biktima.
Binatikos din ni Remulla ang umano’y “non-appearance” scheme sa Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs), kung saan sinasabing hindi aktuwal na isinasagawa ang emissions testing.
“The emissions testing is not actually being conducted. It’s a non-appearance arrangement,” sabi niya.
Hiniling din niya na regular na sumailalim sa emissions testing ang mga sasakyan, lalo na makalipas ang lima o 10 taon.
Ayon kay Remulla, may mga testing center na nagrereport ng hanggang 5,000 emissions tests kada buwan kahit mas mababa umano ang aktuwal na bilang ng mga sasakyang sumasailalim dito. RNT/MDS