Home METRO Crane tech, nabuhusan ng tunaw na bakal, utas

Crane tech, nabuhusan ng tunaw na bakal, utas

1
0

BATANGAS, Philippines – Patay agad ang isang crane technician matapos aksidenteng mahulog at matapunan ng mainit na tunaw na bakal sa Barangay Salong, Calaca City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-5:40 ng hapon nang mangyari ang insidente habang kinukumpuni ng biktima ang isang crane.

Bigla umanong nahulog ang ladle na naglalaman ng tunaw na bakal kasama ang biktima, dahilan upang matapunan siya at magtamo ng matinding pagkapaso sa katawan.

Agad nasawi ang biktima dahil sa tindi ng pinsala.

Nangako naman ang kumpanyang pinapasukan ng biktima bilang crane mechanical technician na sasagutin ang mga gastusin sa pagpapalibing at magbibigay ng financial assistance sa pamilya nito. ELLEN APOSTOL

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here