Home HOME BANNER STORY 50% discount sa kuryente ng minimum wage earners, pinasasabatas

50% discount sa kuryente ng minimum wage earners, pinasasabatas

177
0

MANILA, Philippines – Maaaring makakuha ng 50 porsyentong diskwento sa bayarin sa kuryente ang mga minimum wage earner (MWE) kung maisasabatas ang “Ginhawa sa Kuryente Act” o House Bill No. 8191 na suportado ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

Ayon sa panukala, ang MWE ay tumutukoy sa manggagawang tumatanggap ng sahod na katumbas o mas mababa sa itinakdang minimum wage ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs).

Sa ilalim ng panukala, ang 50% discount sa kuryente ay ipagkakaloob kada sambahayan. Ang mga pamilyang may hindi bababa sa isang minimum wage earner ay maaaring makinabang sa diskwento para sa isang residential service account na tumutukoy sa pangunahing tirahan ng pamilya, na sasailalim sa beripikasyon at regular na revalidation.

Nakasaad din sa panukala na ang benepisyo ay para lamang sa residential electricity accounts at hindi maaaring gamitin sa commercial, industrial, o mixed-use accounts, maliban sa ilang home-based arrangements na itatakda sa implementing rules.

Hindi rin maaaring ilipat o ipagamit sa iba ang naturang benepisyo at dapat lamang itong gamitin sa aprubadong account ng pangunahing tirahan.

Maaaring gamitin sa beripikasyon ng pagiging kwalipikado ang employer certification, payroll records, payslip, o iba pang opisyal na dokumento, kabilang ang mga probisyon para sa mga manggagawang walang regular na dokumentasyon. Ang eligibility ay limitado sa takdang panahon at sasailalim sa regular na revalidation.

Nakasaad din sa panukala ang mga parusa at disqualification para sa sinumang mapapatunayang nagsumite ng maling impormasyon o gumawa ng pandaraya, pati ang proseso sa pagresolba ng mga reklamo o dispute kaugnay ng eligibility.

Ang House Bill No. 8191 ay may 75 co-authors mula sa Lakas-CMD. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here