Home NATIONWIDE 50 katao nailigtas ng PCG sa palubog na bangka sa Samar

50 katao nailigtas ng PCG sa palubog na bangka sa Samar

MANILA, Philippines – Tinulungan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 41 pasahero at siyam na crew kasama ang boat captain ng half-submerged motorbanca sa katubigan ng Barangay Pilar, San Antonio, Northern Samar.

Ayon sa PCG, umalis ang MBCA Spirit mula Victoria, Northern Samar, papuntang munisipalidad ng San Vicente.

Habang nasa gitna ng karagatan, sinalubong sila ng malaking alon dahilan para masira ang harapan bahagi ng bangka.

Agad namang nagsagawa ng joint search and rescue operations ang PCG, MDRRMO San Antonio, MPS San Antonio, at local fishermen at inilipat ang mga apektadong indibidwal sa MBCA Leanbe, at dinala sila sa San Vicente.

Tinulungan din ng SAR team ang apat na pasahero na kinailangan ng atensyong medikal na ngayon ay idineklara nang nasa maayos na kondisyon.

Samantala, tatlong fishing banca ang humila sa MBCA Spirit patungong San Antonio, Northern Samar. Jocelyn Tabangcura-Domenden