Home METRO 50 pamilya sapul ng sunog sa N. Caloocan; 5 sugatan

50 pamilya sapul ng sunog sa N. Caloocan; 5 sugatan

MANILA, Philippines – Nasunog ang hindi bababa sa 30 bahay sa North Caloocan nitong Miyerkules ng umaga, na nag-iwan ng higit 50 pamilyang apektado.

Inilikas ang mga estudyante ng Bagong Silang High School matapos magsimula ang sunog sa kalapit na lugar.

Nahirapan ang mga bumbero sa pag-apula ngunit nakontrol ito makalipas ang isang oras.

Limang residente ang nasugatan.

Pinaghihinalaang electrical ang sanhi ng sunog.

Pansamantalang nasa evacuation center ang mga biktima. Sa Barangay 48, Maynila, 10 bahay rin ang nasunog ngunit agad itong naapula. RNT