Home HOME BANNER STORY 50 school threats na sangkot kabataan, naitala ng PNP

50 school threats na sangkot kabataan, naitala ng PNP

1
0

MANILA, Philippines — Umabot sa 50 school-related incidents na kinasasangkutan ng mga menor de edad ang naitala ng Philippine National Police (PNP) mula Hunyo 16 hanggang Agosto 18, kung saan 40 sa mga kaso ay may kaugnayan sa iba’t ibang uri ng pagbabanta.

Batay sa datos ng PNP, pinakamarami ang 26 bomb threats, sinundan ng 12 shooting threats at dalawang death threats.

Naitala rin ang apat na stabbing incidents, apat na kaso ng umano’y illegal possession of firearms at dalawang aktuwal na insidente ng pamamaril.

Kabilang sa dalawang pamamaril ang nangyari noong Agosto 18 sa Ateneo de Zamboanga University, kung saan isang Grade 10 student at ang estudyanteng pinaghihinalaang namaril ang nasawi. Dalawa pang estudyante ang nasugatan, ayon sa mga awtoridad.

Kasunod ng insidente, muling nanawagan si Interior Secretary Jonvic Remulla sa Kongreso na repasuhin at higpitan ang mga umiiral na batas sa baril, partikular ang pananagutan ng mga gun owner kapag ang kanilang rehistradong armas ay napunta at nagamit ng menor de edad.

Sinabi rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na kailangang palakasin ang pagpigil sa pagpasok ng armas sa mga paaralan at ang pananagutan ng mga may-ari nito sa gitna ng magkakasunod na insidenteng may kinalaman sa school violence. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here