Home NATIONWIDE 500 PDL sa NBP inilipat sa San Ramon Prison sa Zamboanga

500 PDL sa NBP inilipat sa San Ramon Prison sa Zamboanga

MANILA, Philippines- Inilipat na sa San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) sa Zamboanga City ang 500 Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ang paglilipat ay bahagi ng decongestion program ng Bureau of Corrections (BuCor) para masolusyunan ang overcrowding sa NBP.

Iginiit ng BuCor na ang relokasyon sa mga PDL ay hindi isang parusa kundi mahalagang hakbang para sa kapakanan ng mga PDL.

“The relocation is not a punishment but a necessary step to address the challenges of overcrowding and improve the overall well-being of the PDLs,” anito.

Mahalaga rin ang papel na gagampanan ng mga inilipat na PDL sa San Ramon Prison dahil dagdag sila sa manpower para sa pagtatanim ng agricultural ptoduct.

Ibiniyahe ang 500 PDL nitong April 23 ng escort team mula NBP sa pangunguna ni CCINSP Josemari Alambro kasama ang ilang tauhan mula sa Philippine Coast Guard, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at Philippine Ports Authority upang masiguro ang ligtas na biyahe ng mga PDL. Teresa Tavares