Nasa 5,000 overseas Filipino ang nagparehistro para sa Online Voting and Counting System (OVCS) na gagamitin sa midterm elections sa Mayo 12, kasunod ng pagsisimula ng internet voting noong Marso 20.
Bukas ang pagpapatala para sa OVCS hanggang Mayo 7. Hinimok ang mga rehistradong botante na pag-aralan ang paggamit ng sistema bago bumoto.
Ang mga nais gumamit ng internet voting ay maaaring magparehistro sa https://ov.comelec.gov.ph/enroll.
Magsisimula ang overseas voting period sa Abril 13 at magtatapos sa Mayo 12, kung saan maaaring bumoto ang mga botante sa ibang bansa para sa 12 senador at isang party-list group. RNT