MANILA, Philippines – Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi naharang ng China Coast Guard (CCG) ang dalawang barko Pilipnas sa Bajo de Masinloc na sumasalungat sa pahayag ng isang maritime expert.
Paliwanag ni PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources vessels ay naka-station dahil naghahatid sila ng fuel subsidies sa 26 Filipino fishing boats sa lugar.
Sa kanyang post sa X, sinabi ni dating US Air Force official at defense attaché Ray Powell na hinarang ngdalawang Chinese Coast Guard ang BRP Bagacay at BRP DatuPagbuaya habang karagdang Chinese maritime militia ships ang bumuo ng blosking positions.
Gayunman, iginiit ni Tarriela na ang mga Filipino vessels na nanatili sa kanilang posisyon upang tulungan ang mga local na mangingisda.
Bagamat walang nangyaring harassment, sinabi ng PCG na ang Chinese maritime militia ay muling naglgay ng floating barriers upang harangin ang mga Pilipinong mangingisda sa pagpasok sa Bajo de Masinloc. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)