MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA na maaaring umabot sa 50°C ang heat index sa ilang bahagi ng bansa ngayong tag-init, habang posibleng pumalo sa 41°C sa Metro Manila.
Inaasahang mararanasan ang pinakamataas na init sa Abril o Mayo.
Bagaman hindi inaasahan ang heat wave, patuloy na iinit ang panahon, pati na rin sa gabi, dahil sa pagbabago mula Amihan patungo sa High-Pressure Area sa Northwestern Pacific.
Maaaring magkaroon ng panaka-nakang pag-ulan, habang posibleng makaranas ng hanging Amihan ang Hilagang Luzon.
Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat sa heat stress at gamitin nang matalino ang tubig. Santi Celario