Home NATIONWIDE 514 Pinoy mula Lebanon uuwi na ng Pinas

514 Pinoy mula Lebanon uuwi na ng Pinas

186
0

MANILA, Philippines – Lilipad pabalik ng Pilipinas sa susunod na araw ang humigit-kumulang 514 na mga Pilipino mula Lebanon, sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW).

Sa nasabing bilang, 264 na mayroon nang plane tickets, habang 250 ang naghihintay na mailabas ang kanilang exit clearance mula sa gobyerno ng Lebanon ,sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac .

Hindi bababa sa 192 Filipino sa Lebanon ang nananatili sa mga shelter habang naghihintay ng repatriation, ani Cacdac.

Idinagdag na ang gobyerno ay mayroong social worker at mga medical professionals na tutulong sa mga stranded na manggagawa.

Mula nang sumiklab ang sigalot sa pagitan ng Israel at mga militanteng Hezbollah noong Oktubre 2023, pinauwi na ng gobyerno ng Pilipinas ang 488 Pilipino at ang kanilang mga dependent mula sa Lebanon, sinabi ng hepe ng DMW.

Mayroong humigit-kumulang 11,000 Pilipino sa Lebanon, ayon sa datos ng DMW.

May mga Filipino namangas pinili na manatili sa Beirut sa kabila ng kagulohan sa rehiyon.

Sinabi ng DMW na ang labor attaches ay maaaring makatulong sa pakikipag-usap sa mga employer na ayaw payagan ang kanilang mga manggagawang Pilipino na umuwi.

Tatanggap ang mga OFW mula sa Lebanon na mag-a-avail ng repatriation program ng P150,000 mula sa gobyerno sa kanilang pagbabalik, sinabi ni Cacdac.

Bukod dito , magkakaroon din ng karagdagang mga assistance package mula sa iba pang ahensya ng gobyerno. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here