Home METRO 52-anyos na sekyu arestado sa nabistong standing warrant

52-anyos na sekyu arestado sa nabistong standing warrant

MANILA, Philippines- Diretso sa kulungan ang isang 52-anyos na security guard makaraang mabisto ito na mayroong standing warrant, habang kumukuha ng police clearance, sa General Tinio, Nueva Ecija nitong Miyerkules, Abril 17, 2024.

Ayon sa pulisya, ganap na ala-1:43 ng hapon nang magtungo sa General Tinio Police Station ang umano’y akusado na si Jimmy Fermin y Bote, may asawa, residente ng Barangay Nazareth ng nasabing lugar.

Nabatid na kukuha lamang sana ito ng police clearance. Subalit, habang ito ay pinoproseso sa NPC system, lumabas umano na ito ay mayroong standing warrant of arrest, sa umano’y kasong Grave Coercion (Article 286 of RPC) na inisyu sa Municipal Trial Court (MTC), Gen. Tinio, Nueva Ecija, may criminal case number 181-NN, may petsang April 5, 2024, at may kaukulang piyansang nagkakahalaga ng P36,000.

Sa kasalukuyan ay nasa custodial facility ito ng nabanggit na pulisya. Elsa Navallo