Home NATIONWIDE Libreng medical insurance na alok ng DOH sa socmed posts peke

Libreng medical insurance na alok ng DOH sa socmed posts peke

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa kumakalat na post sa social media na nagsasabing nag-aalok ang ahensya ng libreng medical insurance.

“The DOH cautions the public against posts of this nature using the agency’s name,” ayon sa babala ng DOH.

Sinabi pa ng ahensya na ang nasabing page ay “fake” gayundin ang anumang affiliate links at/o posts.

Kaugnay nito, nagbabala ang DOH na may kaakibat na criminal charges kung magpapatuloy ang pagkalat ng mga kaugnay na post.

Patuloy namang pinapayuhan ng DOH ang publiko na kumuha lamang ng impormasyon sa  lehitimong mapagkukunan at platforms tulad na maaring ma-access sa pamamagitan ng opisyal na links social media accounts ng departamento. Jocelyn Tabangcura-Domenden