Home METRO #WalangTubig sa Taguig, Marikina ngayong Abril

#WalangTubig sa Taguig, Marikina ngayong Abril

MANILA, Philippines- Makararanas ang Manila Water customers sa ilang lugar sa Taguig City at Marikina City ng temporary water supply interruption mula April 18 hanggang 19 at April 24 hanggang 25 dahil sa scheduled maintenance activities.

Inabisuhan ng water company nitong Huwebes ang mga apektadong residente na mag-imbak ng tubig dahil isasagawa ag maintenance works sa mga sumusunod na lugar

Taguig City – April 18, 10 p.m., hanggang April 19, 4 a.m.

  • Ilang bahagi ng Barangay New Lower Bicutan (A Reyes Street, Mulawin Street, Pagkalinawan Street, Road one to 10, Guevarra Street, T. Santos Street)

Rason: Line maintenance sa Samba corner MLQ New Lower Bicutan

Marikina City – April 24, 10 p.m., hanggang April 25, 4 a.m.

  • Ilang bahagi ng Barangay Santo Nino (E. Rodriguez Guerilla, fourth to fifth Streets, Cirma E. Mendoza, second to fourth Streets, Guerilla E. Rodriguez, first to second Streets, Aquilina, Oval, Miguelito, Bonifacio, Sheff, Sylvia, Rosita Diagnostic Building, commercial stalls school (National Christian Life College)

Rason: Line maintenance sa Guerilla corner E. Manalo, Barangay Santo Nino

Gayundin, pinayuhan ng Manila Water ang mga apektadong residente na hintayin munang luminaw ang tubig bago ito gamitin, pagkabalik ng suplay. RNT/SA