Home ENTERTAINMENT Cassy, inalmahan ang sweet videos nila ni Darren!

Cassy, inalmahan ang sweet videos nila ni Darren!

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni Cassy Legaspi na kagagawan niya ang paglabas ng mga sweet videos nila ni Darren (minus his surname) sa Facebook.

Ipinagtataka kasi ito ng mga netizens following Darren’s admission na friends lang sila.

Iniisip ng mga netizens na ang paglabas umano ni Cassy ng “resibo” showing their sweetness ay para ipamukha sa singer ang katotohanan.

Kaso, naalarma si Cassy.

Kaagad ipinaliwanag ng aktres na matagal na raw na-hack ang kanyang FB account.

Dahil 2021 pa raw na-hack ito–which is the source of her sweet videos with Darren–kung kaya’t Cassy had to create a new account.

Ang na-hack na account daw niya, siyempre’y hindi na siya ang nagma-manage.

Dahil dito, nagpapatulong si Cassy na i-report sa pamunuan ng FB that it’s no longer her existing account which is the source of the sweet videos with Darren.

Upon checking, may 21 million followers ang hacked account ni Cassy.

Malayo ang bilang ng mga followers ng kanyang new FB account na 52,000.

Which only redounds to the fact na nagsasabi ng totoo si Cassy! Ronnie Carrasco III