Home NATIONWIDE 53 B.U.C.A.S centers binuksan ng DOH

53 B.U.C.A.S centers binuksan ng DOH

240
0

MANILA, Philippines – Nasa 53 B.U.C.A.S center na inilunsad ng Department of Health (DOH) kung saan inilapit ito sa mga malalayong lugar para sa serbisyong medikal.

Ito ay matapos ang isang taon nang ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa DOH ang pagbubukas ng maraming Bagong Urgent Care and Ambulatory Sevice (B.U.C.A.S) centers upang hindi na kailangang bumiyahe pa ang mga pasyente at hindi na makipagsiksikan sa mga ospital.

Ilan sa serbisyo ng B.U.C.A.S ay ang CT Scan, X-ray, Ultrasound, kumpletong laboratory at diagnostics, at outpatient services.

Sa kaslaukuyan, nakapagserbisyo na ang B.U.C.A.S centers sa mahigit isang milyong pasyente sa buong bansa.

Ang center ay parang isang one-stop-shop health facility kung saan maaari ring makakuha ng gamot dito gaya ng maintenance sa highblood at diabetes.

Mayroon ding check-up para sa mga buntis, pagbabakuna, anti-rabies para sa mga nakagat ng hayop, ECG, cancer screening at mental health counseling o psychological support. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here