Home NATIONWIDE Dating DICT chief nagbabala sa panganib ng Konektadong Pinoy Bill

Dating DICT chief nagbabala sa panganib ng Konektadong Pinoy Bill

263
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang dating kalihim ng Department of Information and Communications Technology sa posibleng panganib sa national security dala ng Konektadong Pinoy Bill.

Ayon kay Gregorio “Gringo” Honasan II, dati ring senador, kulang ng kaukulang security mechanism ang panukala partikular ang pagsisiguro sa digital infrastructure ng bansa.

Binanggit ni Honasan ang pahayag na inisyu ng Philippine Chamber of Telecommunications Operators na kapareho ng kanyang pangamba.

Tinukoy niya ang kakulangan ng malinaw na legal na proseso para sa national security para sa Data Transmission Participants, at sinabing ang implementing rules and regulations ay hindi sapat upang masiguro ang tamang pagbusisi at accountability.

“Without a prior legally mandated national security vetting process in allowing DTP, the IRR alone cannot provide the necessary level of scrutiny and accountability,” aniya.

Idinagdag pa niya na bigong maipakita ng panukala ang sapat na regulasyon sa foreign-controlled firms, lalo na sa mga sensitibong operasyon tulad ng cable landing stations at satellite gateways.

Inilarawan ni Honasan na ang kasalukuyang probisyon ay kulang sa kaukulang safeguards sa critical infrastructure.

Hindi rin aniya ito nagbigay ng malinaw at legally grounded na parusa sa mga kompanya na lalabag sa regulasyon.

Matatandaan na ilang grupo na rin ang nagpahayag ng kanilang pangamba kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa Konektadong Pinoy Bill.

Pirma na lamang ng Pangulo ang hinihintay para ito ay tuluyang maisabatas. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here