MANILA, Philippines- Patay sa panaksak ng isang child in conflict with the law (CICL) na binully umano sa paaralan ang kanyang babaeng kaklase sa Parañaque City nitong Miyerkules.
Kinilala ng Southern Police District (SPD) ang suspek na si alyas “CPBB”, 15, estudyante.
Kinilala naman ang biktima na si alyas “ RLS,” 14, estudyante rin. Nagtamo siya ng malalang saksak at idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Parañaque 2.
Batay sa imbestigasyon ng mga pulis, si CPBB ay binully ni RLS dahilan upang bunutin nito ang kitchen knife at pagsasaksakin ang biktima.
Agad inaresto ng mga barangay tanod ang suspek matapos ang insidente at dinala sa Don Bosco Substation ng Parañaque City Police para sa imbestigasyon. RNT/SA