Home METRO 557 pamilyang hagip ng baha sa Brgy. Hulong Duhat inayudahan

557 pamilyang hagip ng baha sa Brgy. Hulong Duhat inayudahan

PERSONAL na binisita ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang abot sa 557 pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa Brgy. Hulong Duhat upang kumustahin at magbigay ng kanilang  pangangailangan gaya ng food pack, hygiene kit, gamot, at bitamina.

 

Dahil sa mabilis na aksyon at tulong ng City Social Welfare and Development Department (CSWDD) katuwang ang MDRRMO at City Health Department ay mabilis na naipamahagi at nabigyan ng pangangailangan ang bawat residente na naapektuhan ng baha.

Ibinalita din ni Mayor Sandoval ang kalagayan ng nasirang flood gate na patuloy na kinukumpuni at nangakong aagapay ang pamahalaang lungsod lalo na sa panahon ng tag-ulan. Jojo Rabulan