Home METRO Navotas Government Apprenticeship Program

Navotas Government Apprenticeship Program

Muling binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang mga pinto para sa mga kabataang Navoteño na gustong magkaroon ng karanasan sa trabaho sa gobyerno, at mga dating Overseas Filipino Workers (OFWs) na nangangailangan ng alternatibong kabuhayan.

May 22 benepisyaryo ng Navotas Government Apprenticeship Program (NGAP) ang magsisilbi pamahalaang lungsod mula Hulyo 2 hanggang Nobyembre 29, 2024. Inihayag
ni Mayor John Rey Tiangco ang kanyang kasiyahan na makita ang mga ito na maisama sa kanilang hanay sa pamamagitan ng mga programa. Jojo Rabulan