Home METRO P.5M palit-info sa armadong rider na pumatay sa good samaritan, alok ng...

P.5M palit-info sa armadong rider na pumatay sa good samaritan, alok ng MMDA

MANILA, Philippines – MAGBIBIGAY kalahating milyong pisong pabuya ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para sa agarang pagkaka-aresto sa isang armadong motorcycle rider na walang-awang bumaril at nakapatay sa isang nagmalasakit na kapwa rider na humabol dito makaraang takasan ng suspek ang mga sumita sa kanya na traffic enforcer sa Quezon City kamakailan.

Sa Facebook post ng MMDA, sinabing bumisita nitong Lunes sina MMDA Deputy Chairman Usec. Frisco San Juan Jr. at Director for Traffic Enforcement Atty. Vic Nuñez, bilang kinatawan ni Chairman Atty. Don Artes, para makiramay at mag-abot ng tulong-pinansiyal sa pamilya ng nasawing motorcycle rider na si Wilmer Zara.

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang MMDA sa mga pulis para sa kaso sa hangaring mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng biktima.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente sa Commonwealth Avenue noong Biyernes ng gabi, kung saan nagmalasakit ang 31-anyos na si Zara na habulin ang suspek na rider na tumakas nang sitahin ng tauhan ng MMDA sa kanto ng Soliven Street.

Mapanonood sa CCTV footage ang pagbagsak ng biktima sa kalsada. Agad naman n aisinuhod sa pagamuyan ang biktima ngunit binawian din ng buhay kalaunan dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo.

Nabatid pa sa imbesyigasyon na matapos barilin ang biktima ay tinangay pa ang motorsiklo nito ngunit inabandona ilang metro ang layo mula sa pinangyarihan ng pamamaril. Napag-alaman na “keyless” ang motorsiklo ng biktima kaya kusang huminto ito nang mapalayo sa main key.

Patuloy na nagsasagawa ng imbesyigasuon ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa naganap na krimen at nagsasagawa ng operasyon sa agarang ikadarakip ng nakatakas na suspek. JR Reyes