MANILA, Philippines – Inilikas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 561,528 indibidwal at 161,527 pamilya mula sa anim na rehiyon bago ang pananalasa ng bagyong Pepito.
Ayon sa PCG, isinagawa ito ng nasa 6,790 personnel at bahagi ng monitoring activities sa rehiyon sa Bicol, Southern Tagalog, Northwestern Luzon, Northeastern Luzon, National Capital Region (NCR), at Eastern Visayas.
Inatasan din ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang full mobilization ng relief efforts para sa kumunidad na apektado ng super typhoon.
Inanyayahan ng PCG Civil Relations Service (CGCRS) ang publiko na magbigay ng donasyon tulad ng bottled water, noodles, canned goods, alcohol, bath at laundry soap, diapers, medicines, dental hygiene kits, 3-in-1 coffee, rice, biscuits, face masks, at blankets.
Maaaring dalhin ang mga in-kind na donasyon sa CGCRS headquarters, Coast Guard Base Farola, Muelle Dele Industria Compound, Binondo, Manila.
Ang mga interesado ay maaari ring makipag-ugnayan sa CGCRS sa pamamagitan ng email sa [email protected], mobile sa 0993 796 8973, o sa pamamagitan ng kanilang Facebook page na Coast Guard Civil Relations Service. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)