Home METRO 50 bahay naabo sa Brgy. Rosario, Pasig

50 bahay naabo sa Brgy. Rosario, Pasig

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Rosario sa Pasig City ngayong Lunes, Abril 22.

Ang apektadong lugar ay malapit sa West Bank Floodway kung saan umabot sa ikatlong alarma ang sunog na nagsimula pasado alas-4 ng madaling araw. Nangangahulugan ito na 12 trak ng bumbero ang kailangang tumugon.

Nakontrol ng Bureau of Fire Protection (BFP) at fire volunteer groups ang apoy bago mag-alas-6 ng umaga.

Nakapagdeklara ng fire out ang BFP dakong alas-7 ng umaga.

Limampung bahay na gawa sa light materials ang tinupok ng apoy.

Magsasagawa ang bureau ng imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng sunog, gayundin ang lawak at tinatayang halaga ng pinsala sa ari-arian. Santi Celario