Home NATIONWIDE 37 lugar matutusta sa sobrang init ngayong Biyernes, May 17

37 lugar matutusta sa sobrang init ngayong Biyernes, May 17

MANILA, Philippines – Ibinabala ng PAGASA sa 37 lugar sa bansa na maaaring makaranas ng peligrosong heat index o damang-init ngayong Biyernes, Mayo 17.

Ayon sa heat index forecast ng PAGASA, ang mga sumusunod na lugar na posibleng makaranas ng damang-init na 42°C hanggang 46°C:

45°C:

—Dagupan City, Pangasinan

—Sangley Point, Cavite

—San Jose, Occidental Mindoro

—Zamboanga City, Zamboanga Del Sur

44°C:

—Bacnotan, La Union

—Roxas City, Capiz

—Iloilo City, Iloilo

—Dumangas, Iloilo

—Dipolog, Zamboanga Del Norte

43°C:

—NAIA, Pasay City

—Sinait, llocos Sur

—ISU Echague, Isabela

—Clark Airport (DMIA), Pampanga

—Baler (Radar), Aurora

—Puerto Princesa City, Palawan

—Cuyo, Palawan

—Virac (Synop), Catanduanes

—Guiuan, Silangang Samar

—Cotabato City, Maguindanao

42°C:

—Science Garden, Quezon City

—Laoag City, llocos Norte

—MMSU, Batac, Ilocos Norte

—Aparri, Cagayan

—Tuguegarao City, Cagayan

—Iba, Zambales

—CLSU Muñoz, Nueva Ecija

—Casiguran, Aurora

—Ambulong, Tanauan, Batangas

—Infanta, Quezon

—Alabat, Quezon

—Daet, Camarines Norte

—Masbate City, Masbate

—CBSUA-Pili, Camarines Sur

—Catarman, Northern Samar

—Catbalogan, Samar

—Davao City, Davao Del Sur

—Butuan City, Agusan Del Norte

Ang Baguio City ay nananatiling may pinakamababang hinulaang heat index sa 25°C.

Ayon sa PAGASA, ang mga lugar na may heat index mula 42°C hanggang 51°C ay nakategorya sa ilalim ng danger level.

Ang heat index ay ang sukatan ng temperatura na nararamdaman ng isang tao, na iba sa aktwal na temperatura ng hangin.

Sinabi ng PAGASA na ang heat cramps at heat exhaustion ay malamang sa mga lugar na nakakaranas ng danger level heat index, na mula 42 hanggang 51°C. Posible rin ang heat stroke sa patuloy na pagkakalantad. RNT