Home NATIONWIDE 572 huli sa election gun ban – PNP

572 huli sa election gun ban – PNP

MANILA, Philippines – Tumaas sa 572 ang bilang ng mga nahuli sa paglabag sa election gun ban, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Pebrero 3.

Sa press briefing, sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na kabilang sa mga na-detain ay isang pulis, apat na miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), isang indibidwal mula sa isa pang law enforcement agency, isang appointed government official, isang foreign national, at apat na security guards.

Ani Fajardo, karamihan sa mga naarestong suspek ay mga sibilyan.

May kabuuang 576 armas naman ang nakumpiska mula sa mga lumabag.

Karamihan sa mga nakumpiska ay mga revolvers, pistola, at gun replicas.

Batay sa Comelec Resolution No. 11067, ang gun ban ay ipinatupad simula noong Enero 12, at magtatapos sa Hunyo 11. RNT/JGC