Home NATIONWIDE Panibagong 25-year franchise ng Meralco aprub sa Senado

Panibagong 25-year franchise ng Meralco aprub sa Senado

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa nitong Lunes, Pebrero 3, ang panukala na nagbibigay ng panibagong 25 taong prangkisa para sa Manila Electric Company (Meralco).

Ang House Bill 10926 ay inaprubahan sa botong 18-1-0 vote.

Si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang bumoto lamang laban sa pagpasa ng panukala.

Ayon kay Senador Joel Villanueva, na isponsor ng panukala, ang panukala ay hindi lamang nagre-renew sa prangkisa ng Meralco kundi “also strengthens our country’s energy security and consumer rights.”

Sa paliwanag naman ni Hontiveros sa kanyang boto, sinabi nito na ang Meralco “failed to abide by its obligations and serve consumers as reflected by [the] excessively high electricity bills.”

Tinukoy din niya ang mga amyenda na ipinanukala niya sa rejection, at sinabing ang mga proposal na ito ay “the bare minimum needed to guarantee fair and transparent operations, and would have ensured that the refunds are calculated well, transparent, and open to public scrutiny.”

“We should not reward Meralco’s misdeeds with a brand new legislative franchise, a few years before its existing one expires… Isoli muna nila ang bilyon-bilyong sobrang kinulekta nila sa taumbayan,” anang senador.

Sa ilalim ng bersyon ng Senado sa panukala, binibigyang mandato ang Meralco na tuparin ang tungkulin para sa proteksyunan ang karapatan ng mga consumer; siguruhin ang efficient at reliable na paghahatid ng kuryente; at sumunod sa competitive market principles. RNT/JGC