MANILA, Philippines – Maiuuwi ng isang solong mananaya ang jackpot sa Megalotto 6/45 na nagkakahalaga ng P32,244,545.60.
Sa draw ng PCSO nitong Lunes ng gabi, Pebrero 3, tinamaan kasi niya ang winning numbers na 31-04-17-07-19-27.
Samantala, wala namang nanalo sa draw ng Grand Lotto 6/55 sa jackpot prize na P45,903,454.20 matapos walang makahula ng winning numbers na 35-48-01-18-02-19. RNT/JGC