Home NATIONWIDE 57K botante papayagang bumoto sa local absentee voting sa 2025 polls

57K botante papayagang bumoto sa local absentee voting sa 2025 polls

MANILA, Philippines – Mahigit 57,000 botante ang pinapayagang bumoto sa pamamagitan ng local absentee voting (LAV) para 2025 election, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sa datos, nagpapakita na inaprubahan ng Comelec ang kabuuang 57,689 LAV applications para sa May polls.

Sa bilang na ito, kabuuang 1,005 ang media personnel, 29,030 ang miyembro ng Armed Forces of the Philippines at 23,448 ang police officers.

Kabuuang 4,206 ang mula sa ibat-ibang government offices kabilang ang Comelec, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Philippine Coast Guard (PCG).

Kabilang naman sa absentee voters sa Pilipinas ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at media practitioners na naka-duty sa araw ng halalan.

Pinalawig ng Comelec, ang registration para sa LAV mula Marso 10 hanggang Marso 17 dahil sa kahilingan ng ilang opisina ng gobyerno.

Inilipat naman ang deadline para sa beripikasyon ng LAV registrants mula Abril 8 hanggang Abril 11 at ang transmittal ng listahan ng kwalipikadong local absentee voters, local absentee ballots, at iba pa na may kaugnayan sa halalan sa Abril 27, 2025.

Ang voting period para sa absentee voters ay magsisimula sa Abril 28 hanggang April 30, 2025.

Idaraos ang midterm elections sa Mayo 12, 2025. Jocelyn Tabangcura-Domenden