MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Philippine National Police ng 64 drowning cases sa paggunita ng Semana Santa ngayong taon.
Sa pahayag nitong Lunes, Abril 21, sinabi ng PNP na ang 64 kaso ay 49 percent na pagtaas mula sa 43 drowning incidents sa kaparehong panahon noong 2024.
Karamihan sa mga Filipino ay nagtungo sa kani-kanilang mga probinsya sa mahabang bakasyon dahil sa Semana Santa, at ang karamihan ay nagtungo rin sa mga tabing-dagat at resort.
Sinabi pa ng PNP na mayroon namang kabuuang 120 insidente ang namonitor sa buong bansa sa Semana Santa, o 43 percent na pagtaas mula sa 84 insidente noong nakaraang taon.
Ang pagtaas ay “largely driven by a significant increase in fire and drowning incidents.”
“On a positive note, vehicular accidents decreased to 14 from 17 last year, an 18% reduction that reflects improved traffic enforcement and road safety campaigns,” dagdag ng PNP.
Sa kabila nito ay maituturing ng PNP na generally peaceful ang paggunita ng Semana Santa ngayong taon at “no major untoward incidents disrupting the week-long religious tradition.”
“This success is attributed to the coordinated efforts of law enforcement agencies, local government units, and the cooperation of the public,” dagdag pa. RNT/JGC