Home NATIONWIDE 582 ‘no contact’ violators sapul sa unang araw – MMDA

582 ‘no contact’ violators sapul sa unang araw – MMDA

103
0

Nakapagtala ang Metropolitan Manila Development Authority ng 582 paglabag sa trapiko sa unang araw ng muling pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) mula 6 a.m. hanggang 4 p.m. nitong Lunes.

Karamihan sa mga paglabag ay may kinalaman sa hindi pagsunod sa mga traffic sign at maling paggamit ng EDSA busway.

Ginagamit sa NCAP ang CCTV at iba pang teknolohiya para mahuli ang mga lumalabag nang walang enforcer sa kalsada.

Muling ipinatupad ang NCAP matapos bahagyang alisin ng Korte Suprema ang temporary restraining order (TRO), na ngayon ay nagpapahintulot lamang sa MMDA na ipatupad ito.

Una itong sinuspinde noong 2022 matapos kuwestyunin ng ilang transport groups ang mga ordinansa ng ilang lungsod sa Metro Manila, lalo na ang pagpapataw ng multa sa may-ari ng sasakyan sa halip na sa mismong drayber. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here