Home NATIONWIDE Pasaporte ni Roque ipinakansela na ng DOJ

Pasaporte ni Roque ipinakansela na ng DOJ

225
0
(Cesar Morales | Remate File Photo)

MANILA, Philippines – Naghain ng mosyon ang Department of Justice (DOJ) para kanselahin ang mga pasaporte ni dating presidential spokesperson Harry Roque, na nahaharap sa kasong qualified human trafficking sa Angeles, Pampanga.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, layon ng hakbang na pigilan ang paggalaw ni Roque at pilitin siyang harapin ang kaso.

Si Roque ay kasalukuyang nasa Netherlands at humiling ng asylum, iginiit na siya ay biktima ng political persecution.

Kapag kinatigan ang mosyon, maaari siyang ituring na undocumented alien.

Duda si Remulla na papayagan ng Netherlands ang asylum dahil sa kanilang matibay na paninindigan laban sa human trafficking.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Roque kaugnay sa isyu. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here