
MANILA, Philippines –
Pormal na binuksan ni Remate Bowlers Club/Manila Tenpin Bowlers Association (MTBA) President Benny Antiporda ang 58th Open Tenpin Bowling Championship sa Playdium Bowling Center sa Quezon City.
Tatagal ang kumpetisyon mula May 8 hanggang May 17.

Sa kanyang closing remarks pinuri ni Antiporda ang mga lumahok sa prestihiyosong event na may layuning mapalaganap ang larong bowling sa bansa bukod pa sa makadiskubre ng mga mahuhusay na manlalaro na pwedeng isabak sa mga international competition.
Kumpiyansa ang masipag na MTBA head na kagaya ng mga huling edition ng event, magiging successful din ang pinakalatest na edition ng kapana-panabik na palaro.







