ANONG misteryo sa sex meron sa sakit na mpox na galing sa unggoy, daga at iba pang hayop?
Tinatanong natin ito, mga brad, dahil karamihan sa mga nagkaka-mpox, eh, mahilig sa sex.
Sampol na lang ang tinamaan ng mpox, 33 anyos, na natuklasang pumunta sa isang iligal na sauna massage parlor, nagpamasahe ngunit sa kalaunan, nakipag-sex sa nagmasahe sa kanya sa Quezon City.
Ngayon, kamalas-malasang naka-quarantine ang 28 katao na kontak ng may mpox, at siyempre, kasama ang babaeng naka-sex nito.
Siyempre, kasama na rin ang mga nag-ayos ng kama ng pinagniigan ng dalawa dahil kumakalat din ang mpox sa mga damit o bedsheet na gamit ng maysakit.
Mula noong 2022, napatunayang sex ang number one na paraan ng hawaan at sumunod na rito ang iba gaya ng kontak sa laway, dura, nana ng mpox, dikitan ng mga balat, damit, bedsheet at iba pang nahahawakan ng maysakit.
Sa rekord sa mpox sa Madrid, Spain noong Hulyo 2022, 93 porsyento ang nagka-mpox mula sa 99% sex sa pagitan ng mga lalaki.
Clade 2 ang tawag sa grupo ng virus ng mpox na umiral sa Madrid at nangyari ito sa mga mahihilig sa party na may kasamang sex orgy.
Nitong huli, sa pangalawang uri ng virus na Clade 1, napag-alalam namang pati mga babae nahahawa na rin, at sa pakikipag-sex pa rin.
Ang masaklap, pati mga bata, nahahawaan din at ang baby sa sinapupunan, pinapasok din ng virus.
Sana naman, kapag nakaramdam ang tao ng mga sintomas ng mpox, iwasan nito ang makipag-sex, magpatingin ito sa doktor at magpagamot, tutal, may bakuna naman laban sa sakit at pupwedeng ibakuna ang panlaban sa small pox.
Heto ang mga pangunahing sintomas ng mpox: paltos o mukhang tighiyawat sa anomang parte ng katawan, kasama ang palibot ng ari at puwet; lagnat; pananakit ng ulo, kalamnan o likod; panginginig; pagkahapo; at ilang pamumukol sa ilang parte sa katawan.