Home OPINION MARCOS SA DAR: SERBISYO ILAPIT SA MGA MAGSASAKA, MGA BENEPISYARYO SA LIBLIB...

MARCOS SA DAR: SERBISYO ILAPIT SA MGA MAGSASAKA, MGA BENEPISYARYO SA LIBLIB NA LUGAR

166
0

DAHIL sa pagtiyak na ginawa ng Department of Agrarian Reform na direktang matatanggap ang kanilang serbisyo, nabuhayan ng loob at walang pagsidlan ng kaligayahan ang mga magsasaka at mga benepisyaryo nito.

Ginawa ni DAR Secretary Conrado Estrella III na maibigay ang wastong serbisyo sa mga magsasaka at mga benepisyaryo nito kaugnay sa lupang agraryo subalit marami ang nakulangan at nasiraan ng loob sapagkat noon pa man ay inaasam na nilang mapapasakanila ang lupang sinasaka.

Subalit dahil mismong sa bibig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. nagmula ang utos na ilapiy ng DAR sa mismo sa mga magsasaka at sa mga benepisyaryo ang serbisyong ipinagkakaloob ng ahensiya, walang pagsidlan ng saya ang mga ito lalo na ang mga nasa liblib na lugar.

Sa ngayon, sumasandal ang ahensiya sa matatag na pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan at maging sa mga kinatawan sa Kongreso sa mga lugar na kanilang pinagsisilbihan.

Sa ganito kasing paraan, madaling maipaparating sa kanila ang mga hinaing, hinihinging tulong at iba pang pangangailangan ng mga magsasaka at maging ng mga benepisyaryo ng repormang agraryo.

Nanawagan pa ang kalihim sa mga magsasaka at mga benepisyaryo na bukas ang lahat ng kanilang tanggapan sa sinomang may katanungan at kung ano ang kanilang pangangailangan upang mabilis itong maipagkaloob sa kanila.

Mahalaga kasi ang papel na ginagampanan ng DAR sa buhay ng mga magsasaka dahil direkta nilang naibibigay ang kinakailangang suporta at serbisyo, kabilang na rito ang madiskarteng panghihimasok para matulungan ang mga benepisyaryo ng repormang agraryo nang sa gayon ay maipagkaloob nang tuluyan ang lupa nilang sinasaka, maparami ang kanilang produksyon at makipag-ugnayan ng agaran sa mga nagnenegosyo ng mga produktong agraryo.

Todo pasasalamat naman ang magsasaka, lalo na ang mga benepisyaryo ng lupang agraryo kay Pangulong Bongbong Marcos dahil sa napakatagal na panahon ay nakakikita na sila ng liwanag na matagal na nilang inaasam.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here