MANILA, Philippines – Umabot na sa 5,084 na pasahero kabilang ang mga driver at cargo helpers ang stranded sa mga pantalan dahil sa bagyong Kristine.
Pinakamaraming stranded na pasahero sa siyam na pantalan sa Bicol Region na nasa 2,652 ang bilang.
Bukod dito nasa 96 pantalan sa buong bansa ang suspendido ang operasyon.
Apektado rin ng bagyo ang 18 pantalan sa Southern Tagalog Region bunsod ng epekto ng bagyo kaya’t karamihan sa pasahero ay nananatili muna sa reception area ng mga ito.
May 1,144 rolling cargoes, 68 vessels, at 13 motorbancas ang stranded habang 272 vessels at 210 motorbancas ang nakisilong sa ibsng pantalan upang maging ligtas lalo na’t malakas ang alon bunsod ng bagyong Kristine. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)