Home OPINION 5TH  NTF-ELCAC EXECOM MEETING

5TH  NTF-ELCAC EXECOM MEETING

MASIGLANG talakayan, mga hamon na darating na dapat harapin at sama-samang pagkilos upang makamtan ang tunay na kapayapaan tungo sa kaunlaran.

‘Yan ang mga napag-usapan sa ginanap na 5th National Task Force to End Local Communist Armed Conflict executive committee meeting noong nakaraang linggo.

Ang NTF-ELCAC EXECOM kung inyong matatandaan ay pinangungunahan ni Pangulong Bongbong Marcos bilang chairperson. Si National Security Adviser  Secretary Eduardo Año naman ang vice chairperson nito.

But wait, there’s more. Ang Bise Presidente nating si Sara Duterte a ay co-vice chairperson din ng NTF-ELCAC  samantalang si retired General Ernesto Torres Jr., ang Executive Director.

Bilang parent department ng task force, ang Office of the President siyempre ang nagpatawag ng pulong, ika-lima na ang kahulihan.

Kailangan ang ganitong pagtitipon upang mabalangkas ang daan na tatahakin ng NTF-ELCAC na pangunahing layunin at mandato ay tapusin ang paghahari-harian ng mga rebeldeng gaya ng CCP-NPA-NDF atbp.

Seguridad ng bansa ang pangunahin nitong binibigyan ng importansya. Kaya sa pulong na iyon binalangkas pa ang papel na ginagampanan ng NTF-ELCAC sa kasalukuyan at sa mga darating pang mga taon.

Sa ganitong talakayan, nasisiguro ng ating mga lider na makakamit ang kapayapaan lalo na sa mga bayan, komunidad at maging mga barangay na ginugulo ng mga rebelde upang maging matatag, mapayapa at maunlad ang mga lugar na ito.

Ang NTF-ELCAC din ang naglalatag ng mga istratehiya upang ang mga lugar na dati’y kinukuyog ng mga rebelde ay ‘di na nila muling makukubkob.

Pinaglalaanan ng task force ng pondo ang mga lugar na ito upang maibigay ang kanilang nga pangangailangan nang sa ganoon ay ‘di na makababalik ang mga rebelde at ang suporta ng mga residente naman ay maiwaksi.

Ganyan kahalaga ang pagpupulong ng liderato na bumubuo ng NTF-ELCAC. Nagsisimula ito sa lider ng bansa gaya ni PBBM mula nang maitatag ito sa panahon noong Duterte Administration.

Sa susunod na linggo ibabahagi ko sa inyo ang mga detalye ng panibagong landas na tatahakin ng NTF-ELCAC upang tuluyan nang mawala ang mga rebelde rito sa bansa.