Home HOME BANNER STORY 6-7 percent economic growth target ‘very achievable’ – DOF

6-7 percent economic growth target ‘very achievable’ – DOF

MANILA, Philippines – “Very achievable.” Ganyan tinawag ni Department of Finance Chief Economist Domini Velasquez ang target economic growth ng pamahalaan para sa 2024.

Sa event na inorganisa ng Economic Journalists Association of the Philippines nitong weekend, sinabi ni Velasquez na umaasa itong maaabot ang target dahil sa ilang growth drivers na inaasahang tataas sa ikalawang bahagi ng taon.

Kailangang tumaas ng 6.1 percent sa susunod na 3 quarters ang gross domestic product (GDP) ng bansa para maabot ang target.

Ang target ngayong taon, na nauna nang nirebisa pababa ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ay nasa 6 hanggang 7 percent, mula sa inisyal na 6.5 hanggang 7.5 percent.

Kabilang sa mga inaasahang bubuti sa mga susunod na buwan ay ang household consumption kasabay ng paghupa ng inflation.

“Once this kicks in, once we have stable inflation this will increase, prop up the growth,” ani Velasquez.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority, lumago ang household consumption ng 4.6 percent noong Q1, na pinakamababa sa quarterly increase mula sa 2.6 percent na naitala sa ikatlong quarter ng 2010. Hindi kasama rito ang pandemya.

Bumilis naman ang inflation sa 3.8 percent noong Abril, ngunit pasok pa rin sa target ng pamahalaan na 2 hanggang 4 percent. RNT/JGC