MANILA, Philippines- Inireklamo ang dalawang batang lalaki na edad walo at 10 ng umano’y panggagahasa sa isang 6-anyos na babae.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nasabing batang lalaki.
Batay sa ulat nitong Miyerkules, lumabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na habang nakikipaglaro ang biktima sa nakababata nitong kapatid sa isang parte ng basketball court ay bigla siyang hinila ng dalawang batang lalaki sa damuhan.
“‘Yung 10 years old, allegedly hinila niya ‘yung biktima na six-years-old doon sa grass portion ng barangay, and then doon na nga po ay allegedly ni-rape ‘yung bata,” pahayag ni Police Colonel Jay Dimaandal, Provincial Director ng Pampanga Police Provincial Office (PPO).
Agad namang nagsumbong ang batang babae sa kanyang ina pagkauwi at nagtungo sila sa barangay.
“‘Yung magulang po pinuntahan si barangay chairman and noong nalaman po ng barangay chairman, pinuntahan po nila ‘yung dalawa [na] CICL (child in conflict with the law) and then dinala po sa station ng Mabalacat,” ani Dimaandal. RNT/SA