Home HOME BANNER STORY 6-anyos patay sa nerbyosong magsasaka; bangkay binaon sa lupa

6-anyos patay sa nerbyosong magsasaka; bangkay binaon sa lupa

331
0

LAGUNA-ISINUKO ng kanyang kapatid ang magsasaka na nakapatay sa batang babae na inilibing sa lupa at tinakpan lamang ng mga dahon ng saging noong nakaraan linggo sa bayan ng Majayjay.

Ayon kay Majayjay mayor Romy Amorado, hawak na ngayon ng Majayjay-PNP ang suspek na nasa edad 32-34, ng Barangay San Roque.

Depensa ng suspek hindi niya sinasadyang mapatay ang biktimang si Kate Mijares, 6-anyos at resident eng nasabing lugar.

Aniya, nagtatabas siya ng mga oras na iyun at tila nagulat siya ng bata dahil dito nabigla siya at nasuntok niya ito hanggang sa tumilapon ang biktima at tumama sa bakod at nakita niya itong hindi na gumagalaw.

Sa takot ng suspek inilibing niya ang bata at tinabunan ng mga dahon ng saging.

Lumabas sa otopsiya na may pasa sa muka ang bata at sugat sa leeg na naging sanhi ng kamatayan nito at wala rin nakitang anoman senyales na ginahasa ang bata.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek.

Sa ngayon ay iniutos na ng alkalde ang pagpapatupad ng curfew sa kanyang nasasakupan./Mary Anne Sapico

Previous articleCagayan isinailalim sa state of calamity
Next articleE-sabong sa Pangasinan ni-raid; 24 katao arestado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here