Home METRO E-sabong sa Pangasinan ni-raid; 24 katao arestado

E-sabong sa Pangasinan ni-raid; 24 katao arestado

PANGASINAN- ARESTADO ang 24 katao habang 200 manok na panabong ang nasamsam ng mga awtoridad sa inilatag na”e-sabong” operation matapos salakayin ang pribadong compound sa lalawigan ito noong Lunes.

Ayon kay Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group Director Police Major General Romeo Caramat Jr., halos isang buwan nilang isinailalim sa monitoring ang compound sa bayan ng Laoac ng nasabing lalawigan.

Nitong Lunes, sinalakay ng mga awtoridad ang naturang lugar at nahulio mismo sa akto ang mga suspek na nagsasagawa ng e-sabong at karamihan sa mga nahuli ay mga e-sabong operators.

Nakuha rin sa nasabing lugara ng ang mga electronic equipment na ginagamit ng mga suspek sa umano’y 24-oras na operasyon na “e-sabong.”

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Presidential Decree 449, o Anti Cockfighting Law in relation 10175 Anti Cybercrime Law ang mga suspek./Mary Anne Sapico