Home METRO 6 dedo sa sunog sa residential building sa Sampaloc, Manila

6 dedo sa sunog sa residential building sa Sampaloc, Manila

203
0

MANILA, Philippines- Patay ang anim na indibidwal sa sunog sa isang residential building sa Sampaloc, Manila nitong Sabado ng madaling araw.

Tinukoy ang mga biktima na dalawang bata at apat na matanda, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Naganap ang insidente sa four-storey residential building sa Laong Laan corner Blumentritt Road.

Ayon sa BFP, natanggap nila ang impormasyon hinggil sa sunog ng alas-2:40 ng madaling araw.

Itinaas nila ang first alarm ng alas-2:49 ng madaling araw at second alarm ng alas-2:50 ng madaling araw.

Nahirapan ang mga bumbero at fire volunteers na pasukin ang apektadong lugar dahil sa makipot na entrance na isang indibidwal lamang ang kasya.

Mula sa dalawang pamilya ang mga biktima, base sa BFP Station 5 commander.

Bumigay ang ikalawang palapag ng bahay at bumagsak sa sahig, dagdag niya. Gawa ang flooring ng ikalawang palag sa kahoy.

Natagpuan ang tatlong katawan sa ikalawang palapag habang ang iba ay sa ground floor.

Iniimbestigahan pa ng BFP ang mitsa ng sunog subalit sinisilip ang anggulo ng posibleng electrical wiring problem. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here