Home NATIONWIDE Ilang bahagi ng N. Luzon uulanin sa Amihan, shear line

Ilang bahagi ng N. Luzon uulanin sa Amihan, shear line

174
0

MANILA, Philippines- Makaaapekto ang shear line at ang Northeast Monsoon (Amihan) sa ilang bahagi ng  Northern Luzon, ayon sa weather forecast ng PAGASA nitong Sabado ng umaga.

Inaasahan ang maulap na kalangitan at mahinang pag-ulan sa Batanes dahil sa Amihan, habang nakaamba naman ang maulap na kalangitan na sasabayan ng kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Cagayan, Isabela, at Apayao dahil sa shear line.

Magdudulot ang Intertropical Convergence Zone ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan sa Caraga at Davao Region.

Makararanas ang natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Iiral sa Northern Luzon ang moderate to strong winds at moderate to rough coastal waters, habang light to moderate winds at slight to moderate coastal waters naman para sa natitirang bahagi ng bansa.

Sumikat ang araw sa Metro Manila ng alas-6:09 ang umaga at lulubog ng alas-5:27 ng hapon. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here