MANILA, Philippines – Sinabi ng Mandaue City Health Office na nakapagtala sila ng anim na hinihinalang kaso ng mpox sa lungsod.
Ayon kay Debra Maria Catulong, pinuno ng MCHO, inabisuhan ang mga indibidwal na ito na sumailalim sa home isolation at binigyan ng medical at food kit.
Ani Catulong, ang samples ng anim na suspected individuals ay ipinadala na sa
Research Institute For Tropical Medicine ng Department of Health para sa kumpirmasyon.
Sa kabila nito, isa sa anim na pasyente ay nahuling lumabas ng bahay para mamili.
Nang mahuli ay nangakong hindi na ito lalabas ng Bahay hangga’t hindi pa lumalabas ang resulta ng testing.
Dahil dito, hinimok ni Catulong ang iba pang indibidwal na may sintomas ng mpox na manatili na lamang sa bahay sa loob ng tatlong linggo. RNT/JGC