DAVAO CITY– Kinumpirma ng Davao City Health Office na anim na kaso ng monkeypox ang naitala sa lungsod, kabilang ang dalawang naunang kaso noong Abril.
Ayon kay Dr. Sofia Zafra, apat ang aktibong kaso na nasa stable condition, isa ang gumaling, at isa ang namatay ngunit hindi dahil sa monkeypox.
Ipinatupad ng Davao City Hall of Justice ang face mask mandate sa lahat ng staff at bisita, ayon sa kautusan ni RTC Executive Judge Rowena Apao-Adlawan.
Sa buong rehiyon, ipinapatupad na rin ang face mask policies sa Davao del Sur at Davao de Oro, matapos makumpirma ang mga kaso sa Magsaysay, Compostela, at iba pa. Ipinatupad ito sa bisa ng Executive Orders bilang tugon sa pagtaas ng kaso ng monkeypox.
Nagpaalala ang WHO at Department of Health na sundin ang health protocols, lalo na sa mga may sintomas gaya ng lagnat, pantal sa balat, pananakit ng kalamnan, at pamamaga ng kulani. Mary Anne Sapico