COTABATO Ipinag-utos ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa Cotabato ang sapilitang pagsusuot ng face mask sa lahat ng health facilities sa probinsya bilang pag-iingat laban sa monkeypox.
Sa ipinalabas na mahalagang paalala na nilagdaan ni IPHO chief Dr. Eva Rabaya noong Mayo 29, tinukoy na saklaw ng kautusan ang mga ospital, klinika, barangay health stations, lying-ins, at rural at city health units.
Sa Region 12 o Soccsksargen, may kabuuang 14 kaso ng monkeypox naitala—10 mula South Cotabato, 3 sa Sultan Kudarat, at 1 sa Cotabato.
Itinanggi naman ng DOH-CHD Soccsksargen na may ipinatutupad na lockdown, at nagbabala ito laban sa pagpapakalat ng maling impormasyon. Mary Anne Sapico