Home METRO Pamamaril sa asong gala sa loob ng campus kinondena ng unibersidad sa...

Pamamaril sa asong gala sa loob ng campus kinondena ng unibersidad sa Iloilo

286
0

ILOILO CITY– Mariing kinondena ng Central Philippine University (CPU) ang insidente ng umano’y pamamaril sa dalawang asong gala sa loob ng kanilang campus nitong Mayo 30.

Sa pahayag ni Rev. Dr. Ernest Howard B. Dagohoy, presidente ng unibersidad, “CPU strongly condemns any act of cruelty against animals.”

Ayon sa grupong Ilonggo Aspins, isang aso ang namatay at isinilid sa itim na garbage bag at isinakay umano sa isang puting pickup truck matapos ang pamamaril sa may parking area ng senior high school building.

Nagsimula na ng masusing imbestigasyon ang CPU at nakikipag-ugnayan sa kanilang security agency upang mapanagot ang may sala. Nagpahayag din ng suporta ang ilang alumni na dati raw nagbibigay ng pagkain sa mga asong gala sa campus. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here