Home NATIONWIDE 6 na Comelec commissioner kumpleto na

6 na Comelec commissioner kumpleto na

MANILA, Philippines – Pormal naang nanumpa bilang bagong komiysuner ng Commission on Elections (Comelec) si Atty. Noli Avelino Pipo.

Si Atty. Pipo ay papalit sa nabakanteng pwesto ng nagretirong si Commisioner Marlon Casquejo.

Magiging miyembro ng 2nd division ng poll body si Pipo na naging Director din ng Comelec sa Ilocos region.

Pinalitan din ni Comelec legal department head Atty. Maria Norina Tangaro- Casingal ang nagretirong si Commissioner Socorro Inting, komisyuner ng Commission on Elections

Kompleto na ang anim na Commissioner ng Commission on Elections na tututok sa nalalapit na halalan ngayong Mayo 2025.

Si Commissioner Casingal ay naglingkod sa komisyon ng mahigit dalawang dekada habang si Commissioner Pipo naman ay mahigit tatlong dekada na sa serbisyo.

Sa pagkakatalaga ng dalawang bagong komisyuner, nakumpleto na ang anim na komisyuner ng poll body na tututok sa halalan 2025.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na naging lamang nina Casingal at Pipo sa 200 aplikante ang pagiging insider.

Umaasa naman ang dalawang bagong komisyuner na lulusot sa plenaryo ng Commission on Appointement o COA ang kanilang ad interim appointment. Jocelyn Tabangcura-Domenden